Aralin 1
" Ang Kalikasan at Layunin ng Pamilya... "
Tuon:
"Ang pamilya ang sandigan ng isang bansa, binubuo ito ng ama, ina at mga anak na naninirahan sa iisang bubong, dito ipinupunla ang paglinang ng wastong kaasalan simula sa pagkasanggol. Ang mabuting magulang kailanman ay di nagpapabaya mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang anak. Kaya nararapat lamang na igalang, paglingkuran at mahalin ang ating mga magulang sapagkat wala silang kapantay."
Pagsasabuhay:
1. Malugod na ginagampanan ang tungkulin ng bawat kasapi.
2. Pantay-pantay na tingin sa mga anak.
3. Huwarang pagsasama ng mga asawa.
4. Bukas na komunikasyon sa bawat kasapi.
5. May paggalang at pagmamahal ang bawat kasapi.
6. May sariling disiplina ang bawat isa.
7. Maging magandang halimbawa sa mata ng Diyos at ng tao.
8. Igalang ang opinyon at pagkatao sa bawat kasapi.
9. Pahalagahan at alalahanin ang mga pagdiriwang sa loob ng tahanan.
10. May pananampalataya sa Diyos. "The family that prays together, stays together."
♥Jeyonce♥
No comments:
Post a Comment