Modyul 3 "Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Asya"
Ang pag-unlad ng teknolohiya ay maituturing na isang positibong hakbang sa sangkatauhan. Marami itong hatid na kaginhawaan sa pamumuhay ng tao. Subalit ang pag-unlad nito ay may kaakibat na msamang bunga-ang pagsilang ng suliraning pangkapaligiran sa buong daigdig.
Pagkasira ng Lupa at Pagkaubos ng Kagubatan
-Pagsasaka ang pansdgunahing hanapbuhay ng mga Asyano. Ngunit ang lumalalang kondisyon ng lupa sa Asya ay nagdudulot ng suliranin sa mga magsasaka. Lumiliit na ang mga lupang maaring sakahin. Ayon sa UN Environmental Programme (UNEP) noong 1990, 850 milyong ektarya na sa Asya ang mababang uri ng lupain at hindi na maaaring tamnan dulot ng erosyon.
Polusyon sa Hangin
Ang polusyon sa hangin ay mapanganib sa kalusugan ng tao. Hindi tulad ng polusyon sa tubig na kadalasang nakaaapekto lamang sa mahihirap na mamamayan, ang maruming hangin ay nalalanghap ng lahat ng mamamayan, mahirap man o mayaman.
Sa malalaking lungsod sa Asya, pangunahing sanhi ng polusyon sa hangin ang paggamit ng fossil fuels tulad ng gasolinang petroleum sa transportasyon.
Pollutant: Carbon Monoxide at Benzene
"Nagdudulot ng=> Chronic Bronchitis at Acute Respiratory Infection"
Mga Programa sa Pangangalaga sa Kapaligiran
WWF (World Water Forum)
- isang panrehiyong komperensya na idinaraos tuwing ikatlong taon sa ilalim ng pamamahala ng World Water Council. Ang WWF ay dinadaluhan ng mga taong interesado sa pag-uusap tungkol sa katubigan, ang mga problema nito at kung papaano ito masosolusyonan.
AFP (Asia Forest Partnership)
- pinagtutuunan ng pansin ang mga problema sa lupa at kagubatan ng Asya. Layunin nito ay labanan ang ilegal na pagtotroso, iwasan ang sunog sa kagubatan at muling buhayin ang kagubatan sa pamamagitan ng muling paggugubat.
AWASI (Area Watch and Sanction Inspection)
- May napapatrolyang mga inspektor ng Kagawaran ng Kapaligiran na magpapataw ng parusa sa mga sasakyang nagbubuga ng itim na usok.
PCA (Partnership for Clean Air)
- tumutulong sa pamahalaan sa pagpapakalat ng impormasyon ukol sa mga di-mabuting epekto ng polusyon sa hangin sa mga tao at sa kapaligiran.
EPO (Environmental Protection Ordinance)
- Nagtatakda ng emission standard para sa mga sasakyang gumagamit ng diesel. Ayon din sa EPO, ang paggamit at pagbebenta ng mga fuel na nakapagpapataas ng particulate matter ay mahigpit na ipinagbabawal.
SINTESIS:
* Ang Asya ay nahaharap ngayon sa mga suliraning pangkapaligiran, pangunahin dito ang paskasira at pagkaubos ng pinagkukunang-yaman at polusyon sa lupa, hangin at tubig.
* Ang pagkaubos at pagkasira ng mga pinagkukunang-yaman, partikular na ang lupa at kagubatan, ay dulot ng mga maling gawain ng tao tulad ng proyektong reklamasyon, sobrang paghahawan ng kagubatan, ilegal na pagtotroso at labis na pagmimina.
♥Jeyonce♥
No comments:
Post a Comment