[Mod. 1]
Nagmula ang salitang Geography (heograpiya sa Pilipino) sa dalwang salitang Griyego--geo; ibig sabihin ay daigdig--graphien; nangangahulugang magsulat.
Tumutukoy ang Heograpiya sa isang displinadong pag-aaral at paglalarawan ng mga katangian ng ibabaw ng daigdig.
Kabanata 1- Katangiang Pisikal ng Asya
Napakalawak at napakalaki ng Asya. Sa katunayan, ito ang pinakamalaking kalupaan sa mundo.
Kaya naman iba't ibang uri ng anyong lupa ang matatagpuan dito.
Modyul 1- Lokasyon, Sukat, Paghahating Heograpikal at Klima ng Asya
ASYA: Isang Kontinente
Kontinente ang tawag sa pinamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig. Sa pitong kontinente, Asya ang pinakamalaki.
Lokasyon, Hugis at Sukat
Madaling matutukoy ang tiyak na lokasyon ng Asya batay sa apat na direksyon.
* Hilaga: Mula sa paanan ng Kabundukang Ural, hanggang sa Dagat Kara, Karagatang Arctic at Dagat Bering.
* Silangan: mula sa Dagat Bering patungong Karagatang Pasipiko, kasama ang Japan at Taiwan.
* Timog-Silangan: mula sa Pilipinas pababa ng dagat Timor at Indonesia.
*Timog: mula sa Dagat Timor patungong Dagat Arabian at Karagatang Indian.
* Kanluran: mula sa Dagat Arabian, tungo sa Dagat Mediterranean, Dagat Aegean, Kipot Dardanelles at Bosporus patungo sa Black Sea, Bundok Caucasus at pagtatapos sa Kabundukang Ural.
Note: Ang laki ng Asya ay halos pinagsamang kabuuang sukat ng North at South America.
KLIMA at PANAHON
Dahil sa lawak ng Asya, matatagpuan dito an lahat ng uri ng klima at panahon. Nararanasan dito ang pinakamainit, pinakamalamig at kaaya-ayang klima.
Latitud o Uri ng Klima
A. Mababang Latitud
1.) Equatorial o Tropical- Nararanasan dito ang ganitong uri ng klima sa bansang malapit sa ekwador. Mataas ang temperatura at maulan sa buong taon.
2.) Savanna- Nakararanas dito ng matinding ulan sa loob ng halos kalahating taon.
3.) Disyerto- Ang taunang ulan ay umaabot sa 10 dali (25.4 cm). Ang tubig sa ilalim ng lupa ay bumubukal at nagiging "oasis". Maaaring napakit ng disyerto sa araw at may pagkalamig sa gabi.
B. Gitnang Latitud
1.) Mediterranean- Kaaya-aya at maaraw ang panahon. Mainit at walang ulan dito kung tag-araw samantalang katamtaman ang laming kung taglamig.
2.) Humid Subtropical- Nakakaranas ng ulan buong taon. Mainit at maulan kung tag-araw samantalang katamtaman ang lamig kung taglamig.
3.) Kanlurang Baybayin o Marine- Nakararanas ng mainit na hangin na nagmumula sa karagatan. Mainit dito kung tag-araw at maginaw kung taglamig.
4.) Humid Continental- Nararanasan dito ang klima ng apat na panahon- taglagas, taglamig, tagsibol at tag-araw.
5.) Continental Steppe- Mainit ang tag-araw at Malamig ang taglamig sa rehiyong ito. Kakaunti lamang ang patak ng ulan dito. Karaniwan ding umuulan kung tagsibol at tag-araw.
C. Mataas na Latitud
1.) Tundra- Sa salitang Ruso, ang tundra ay nangangahulugang "malaking kapatagan". Karaniwang napakalamig sa panahon ng taglamig at malimit magyelo ang kapaligiran na kung tawagin ay permafrost. Basa at malambot ang lupa sa maikling panahon na tag-araw.
2.) Taiga- Matatagpuan ang klimang ito sa gawing timog ng tundra. Ito ay galing din sa salitang Ruso na nangangahulugang "kagubatan". Mahaba ang taglamig dito, samantalang maikli lamang ang tag-araw.
3.) Klimang Vertical- Nararanasan ang ganitong klima sa matataas na bundok.
Topograpiya
Ang topograpiya ay ang mga natural na kantangian ng isang rehiyon.
--Mga Natatanging Topograpiya ng Asya--
Anyong Lupa
*Bulubundukin
-> Himalayas- pinakamalaking bulubundukin sa kalupaan ng mundo.
*Bundok
-> Everest (Nepal/Tibet)- Pinakamataas na bundok sa mundo.
-> K2 "Godwin Austen" (Pakistan/China)- Pangalawa sa pinakamalaki sa mundo.
-> Kanchenjunga (India/Nepal)- Pangatlo sa pinakamalaki sa mundo.
-> Toba-Hdajo (Sumatra, Indonesia)
*Bulkan
-> Mayon (Pilipinas)- May pinakaperperktong kono.
-> Taal (Pilipinas)- Pinakamaliit sa mundo.
-> Krakatoa (Sunda Strait, Indonesia)- Pinakamalakas na naganap na pagsabog sa buong mundo.
*Arkipelago/Pulo
-> Indonesia- Pinakamalaking arkipelago sa buong mundo.
-> Pulau Batu Hairan "Surprise Rock Island" (Sabah)- Pinakabagong tuklas na pulo sa mundo.
*Tangway
-> Arabia- Pinakamalaking tangway sa buong mundo.
*Talampas
-> Tibet- Pinakamalaking talampas sa buong mundo.
*Disyerto
-> Karakum (Uzbekistan/Turkmenistan)- Nangangahulugang "Black Sands" ang pangalan nito.
-> Kyzyl Kum (Uzbekistan/Turkmenistan/Kazakhstan)- Nangangahulugang "Red Sands" ang pangalan nito.
-> Gobi (China/Mongolia)- Pinakamalaki at pinakamalawak na sakop ng buhangin sa buong mundo.
-> Arabia (Saudi Arabia)- May pinakamalawag na latag ng buhanginan sa isang disyerto.
*Lambak
-> Kali Gandaki (Nepal)- Pinakamalalim na lambak
*Iba pa
-> Sarawak "Lubang Nasib Bagus" (Sarawak, Malaysia)- May pinakamalaking bunganga ng kweba.
Anyong Tubig
*Ilog
-> Yangtze (talampas ng Tibet, China)- Ikaapat sa pinakamalaki sa buong mundo.
-> Ob (Bulubundukin ng Altai, Russia)- Ikalima sa buong mundo. Pinakamababang wawa o estuary sa buong mundo.
-> Huang Ho (China)- Ikaanim sa mundo.
-> Ganges at Brahmaputra- May pinakamalaking delta sa buong mundo.
*Talon
-> Khone (Laos)- Pinakamalapad na talon sa buong mundo.
*Lawa
-> Caspian- Pinakamalaki sa mundo.
*Dagat
-> Dagat Timog China- Pinakamalaki sa Asya
*Look
-> Bengal- Pinakamalaking look sa Asya.
-> Dead Sea- Pinakamababang lugar sa buong mundo; pinakamaalat na anyong tubig sa buong mundo.
SINTESIS:
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig na nagtataglay ng natatanging katangiang pisikal.
Matatagpuan sa Asya ang halos lahat ng uri ng topograpiya.
Nahahati ang Asya sa limang rehiyon batay sa lokasyon.
Sa laki at lawak ng Asya, maraming pagkakaiba nito sa ibang kontinente sa daigdig.
♥Jeyonce♥
No comments:
Post a Comment