Modyul 2 Likas-Yaman at Industriya sa Asya
Malaki ang kalamangan ng Asya sa ibang kontinente kung likas-yaman ang pag-uusapan. Napakalawak ng sakop nitong lupain na mapagkukunan ng iba't ibang uri ng hayop, halaman at mineral na makatutustos sa mga pangangailangan ng mga Asyano. Ang malawak na anyong tubig naman nito ay pinagkukunan ng sari-saring isda at pagkaing-dagat.
MGA INDUSTRIYA SA ASYA
Batay sa mga likas-yaman na matatagpuan sa Asya, mahihinuha kung aling industriya ang itinataguyod at ikinabubuhay ng mga Asyano.
Agrikultura
Pinakamahalagang industriya ng mga Asyano ito.
Mga Pangunahing Produktong Agrikultural sa Asya
1.) Palay- Mula sa Asya ang 90% na inaaning palay sa mundo.
2.) Trigo
3.) Mais
4.) Tsaa
5.) Patatas
6.) Niyog
7.) Millet
8.) Tubo
9.) Soybean
10.) Kape
Iba pa
1.) Goma
2.) Jute
3.) Seda
4.) Bulak
5.) Tabako
Pangingisda
Nangunguna rin ang Asya sa paghuli ng sari-saring isda, crustacean at mga susong pagkain.
Pagmimina
Mga hilaw na mineral ang isa sa mga pinakamahalagang produkto ng Asya. Dito matatagpuan ang malalaking reserba ng mga mineral tulad ng langis, tin, chromite, tanso atbp.
SINTESIS
-Nangunguna ang Asya sa likas-yaman sa mga kontinente sa daigdig.
-May kinalaman ang topograpiya sa taglay na likas na yaman ng isang rehiyon sa bansa.
-Ang tamang paglinang at pangangalaga ng likas na yaman ay nagdudulot ng kaunlaran sa isang bansa.
♥Jeyonce♥
No comments:
Post a Comment