BRITNEY!

BRITNEY!

Monday, August 16, 2010

Araling Panlipunan- First Quarter- no. 2

Modyul 2 Likas-Yaman at Industriya sa Asya

Malaki ang kalamangan ng Asya sa ibang kontinente kung likas-yaman ang pag-uusapan. Napakalawak ng sakop nitong lupain na mapagkukunan ng iba't ibang uri ng hayop, halaman at mineral na makatutustos sa mga pangangailangan ng mga Asyano. Ang malawak na anyong tubig naman nito ay pinagkukunan ng sari-saring isda at pagkaing-dagat.

MGA INDUSTRIYA SA ASYA

Batay sa mga likas-yaman na matatagpuan sa Asya, mahihinuha kung aling industriya ang itinataguyod at ikinabubuhay ng mga Asyano.

Agrikultura

Pinakamahalagang industriya ng mga Asyano ito.


Mga Pangunahing Produktong Agrikultural sa Asya

1.) Palay- Mula sa Asya ang 90% na inaaning palay sa mundo.
2.) Trigo
3.) Mais
4.) Tsaa
5.) Patatas
6.) Niyog
7.) Millet
8.) Tubo
9.) Soybean
10.) Kape

Iba pa

1.) Goma
2.) Jute
3.) Seda
4.) Bulak
5.) Tabako

Pangingisda

Nangunguna rin ang Asya sa paghuli ng sari-saring isda, crustacean at mga susong pagkain.

Pagmimina

Mga hilaw na mineral ang isa sa mga pinakamahalagang produkto ng Asya. Dito matatagpuan ang malalaking reserba ng mga mineral tulad ng langis, tin, chromite, tanso atbp.

SINTESIS

-Nangunguna ang Asya sa likas-yaman sa mga kontinente sa daigdig.
-May kinalaman ang topograpiya sa taglay na likas na yaman ng isang rehiyon sa bansa.
-Ang tamang paglinang at pangangalaga ng likas na yaman ay nagdudulot ng kaunlaran sa isang bansa.

Jeyonce

Sunday, August 15, 2010

Araling Panlipunan- First Quarter- no. 1

[Mod. 1]

Nagmula ang salitang Geography (heograpiya sa Pilipino) sa dalwang salitang Griyego--geo; ibig sabihin ay daigdig--graphien; nangangahulugang magsulat.

Tumutukoy ang Heograpiya sa isang displinadong pag-aaral at paglalarawan ng mga katangian ng ibabaw ng daigdig.

Kabanata 1- Katangiang Pisikal ng Asya

Napakalawak at napakalaki ng Asya. Sa katunayan, ito ang pinakamalaking kalupaan sa mundo.
Kaya naman iba't ibang uri ng anyong lupa ang matatagpuan dito.

Modyul 1- Lokasyon, Sukat, Paghahating Heograpikal at Klima ng Asya

ASYA: Isang Kontinente

Kontinente ang tawag sa pinamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig. Sa pitong kontinente, Asya ang pinakamalaki.

Lokasyon, Hugis at Sukat

Madaling matutukoy ang tiyak na lokasyon ng Asya batay sa apat na direksyon.

* Hilaga: Mula sa paanan ng Kabundukang Ural, hanggang sa Dagat Kara, Karagatang Arctic at Dagat Bering.

* Silangan: mula sa Dagat Bering patungong Karagatang Pasipiko, kasama ang Japan at Taiwan.

* Timog-Silangan: mula sa Pilipinas pababa ng dagat Timor at Indonesia.

*Timog: mula sa Dagat Timor patungong Dagat Arabian at Karagatang Indian.

* Kanluran: mula sa Dagat Arabian, tungo sa Dagat Mediterranean, Dagat Aegean, Kipot Dardanelles at Bosporus patungo sa Black Sea, Bundok Caucasus at pagtatapos sa Kabundukang Ural.

Note: Ang laki ng Asya ay halos pinagsamang kabuuang sukat ng North at South America.


KLIMA at PANAHON

Dahil sa lawak ng Asya, matatagpuan dito an lahat ng uri ng klima at panahon. Nararanasan dito ang pinakamainit, pinakamalamig at kaaya-ayang klima.

Latitud o Uri ng Klima

A. Mababang Latitud

1.) Equatorial o Tropical- Nararanasan dito ang ganitong uri ng klima sa bansang malapit sa ekwador. Mataas ang temperatura at maulan sa buong taon.

2.) Savanna- Nakararanas dito ng matinding ulan sa loob ng halos kalahating taon.

3.) Disyerto- Ang taunang ulan ay umaabot sa 10 dali (25.4 cm). Ang tubig sa ilalim ng lupa ay bumubukal at nagiging "oasis". Maaaring napakit ng disyerto sa araw at may pagkalamig sa gabi.

B. Gitnang Latitud

1.) Mediterranean- Kaaya-aya at maaraw ang panahon. Mainit at walang ulan dito kung tag-araw samantalang katamtaman ang laming kung taglamig.

2.) Humid Subtropical- Nakakaranas ng ulan buong taon. Mainit at maulan kung tag-araw samantalang katamtaman ang lamig kung taglamig.

3.) Kanlurang Baybayin o Marine- Nakararanas ng mainit na hangin na nagmumula sa karagatan. Mainit dito kung tag-araw at maginaw kung taglamig.

4.) Humid Continental- Nararanasan dito ang klima ng apat na panahon- taglagas, taglamig, tagsibol at tag-araw.

5.) Continental Steppe- Mainit ang tag-araw at Malamig ang taglamig sa rehiyong ito. Kakaunti lamang ang patak ng ulan dito. Karaniwan ding umuulan kung tagsibol at tag-araw.

C. Mataas na Latitud

1.) Tundra- Sa salitang Ruso, ang tundra ay nangangahulugang "malaking kapatagan". Karaniwang napakalamig sa panahon ng taglamig at malimit magyelo ang kapaligiran na kung tawagin ay permafrost. Basa at malambot ang lupa sa maikling panahon na tag-araw.

2.) Taiga- Matatagpuan ang klimang ito sa gawing timog ng tundra. Ito ay galing din sa salitang Ruso na nangangahulugang "kagubatan". Mahaba ang taglamig dito, samantalang maikli lamang ang tag-araw.

3.) Klimang Vertical- Nararanasan ang ganitong klima sa matataas na bundok.

Topograpiya
Ang topograpiya ay ang mga natural na kantangian ng isang rehiyon.

--Mga Natatanging Topograpiya ng Asya--

Anyong Lupa

*Bulubundukin
-> Himalayas- pinakamalaking bulubundukin sa kalupaan ng mundo.

*Bundok
-> Everest (Nepal/Tibet)- Pinakamataas na bundok sa mundo.
-> K2 "Godwin Austen" (Pakistan/China)- Pangalawa sa pinakamalaki sa mundo.
-> Kanchenjunga (India/Nepal)- Pangatlo sa pinakamalaki sa mundo.
-> Toba-Hdajo (Sumatra, Indonesia)

*Bulkan
-> Mayon (Pilipinas)- May pinakaperperktong kono.
-> Taal (Pilipinas)- Pinakamaliit sa mundo.
-> Krakatoa (Sunda Strait, Indonesia)- Pinakamalakas na naganap na pagsabog sa buong mundo.

*Arkipelago/Pulo
-> Indonesia- Pinakamalaking arkipelago sa buong mundo.
-> Pulau Batu Hairan "Surprise Rock Island" (Sabah)- Pinakabagong tuklas na pulo sa mundo.

*Tangway
-> Arabia- Pinakamalaking tangway sa buong mundo.

*Talampas
-> Tibet- Pinakamalaking talampas sa buong mundo.

*Disyerto
-> Karakum (Uzbekistan/Turkmenistan)- Nangangahulugang "Black Sands" ang pangalan nito.
-> Kyzyl Kum (Uzbekistan/Turkmenistan/Kazakhstan)- Nangangahulugang "Red Sands" ang pangalan nito.
-> Gobi (China/Mongolia)- Pinakamalaki at pinakamalawak na sakop ng buhangin sa buong mundo.
-> Arabia (Saudi Arabia)- May pinakamalawag na latag ng buhanginan sa isang disyerto.

*Lambak
-> Kali Gandaki (Nepal)- Pinakamalalim na lambak

*Iba pa
-> Sarawak "Lubang Nasib Bagus" (Sarawak, Malaysia)- May pinakamalaking bunganga ng kweba.

Anyong Tubig

*Ilog
-> Yangtze (talampas ng Tibet, China)- Ikaapat sa pinakamalaki sa buong mundo.
-> Ob (Bulubundukin ng Altai, Russia)- Ikalima sa buong mundo. Pinakamababang wawa o estuary sa buong mundo.
-> Huang Ho (China)- Ikaanim sa mundo.
-> Ganges at Brahmaputra- May pinakamalaking delta sa buong mundo.

*Talon
-> Khone (Laos)- Pinakamalapad na talon sa buong mundo.

*Lawa
-> Caspian- Pinakamalaki sa mundo.

*Dagat
-> Dagat Timog China- Pinakamalaki sa Asya

*Look
-> Bengal- Pinakamalaking look sa Asya.
-> Dead Sea- Pinakamababang lugar sa buong mundo; pinakamaalat na anyong tubig sa buong mundo.

SINTESIS:

Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig na nagtataglay ng natatanging katangiang pisikal.

Matatagpuan sa Asya ang halos lahat ng uri ng topograpiya.

Nahahati ang Asya sa limang rehiyon batay sa lokasyon.

Sa laki at lawak ng Asya, maraming pagkakaiba nito sa ibang kontinente sa daigdig.

Jeyonce

Saturday, August 14, 2010

Values- Lesson 3

Aralin 3
"Ang Gampanin ng Bawat Kasapi ng Pamilya"

Pagpapatibay:

Ang bawat kasapi ng pamilya ay may tungkulin ginagampanan kaya dapat lamang tandaan ang sumusunod:

1. Matatag na disiplina sa sarili.
2. Mabuhay ng marangal at matapat.
3. Mabuhay ng simple lamang.
4. Mabuhay na mapagkawanggawa.
5. Mabuhay tayo ng puno ng pag-asa.
6. Mabuhay ng masaya at may kapanatagan.
7. Mabuhay tayo ng may pananalig sa Diyos at paglilingkod sa kapwa.
8. Mabuhay ng may pagmamalasakit at pagpupunyagi.
9. Matutong bumangon sa mga dumarating na pagsubok.
10. Maging positibo lalo na sa pananaw sa buhay.

Tuon:

"Sa pamilya, unang hinuhubog ang magagandang katangian at pagpapahalaga ng isang indibidwal at ang bawat kasapi ay may pananagutan na gampanan ang kanyang tungkulin at dito rin nagsisimula ang pagkatuto kaya't dapat lamang ibasik at ipunla ang mga tama at nararapat na ugali, linangin at pagyamanin nang mapaunlad ang katatagan ng bawat kasapi."

Jeyonce

Values- Lesson 2

Aralin 2
"Ang Impluwensya ng Pamilya sa Paghubog ng Pagkatao"

Pagpapatibay:

Walang kapantay ang pagmamahal, pag-aaruga at pagmamalasakit ng ating mga magulang kaya dapat lang isaisip ang mga sumusunod:

* Mahalin at paglingkuran habang sila'y nabubuhay.
* Iwasang magkaroon ng sama ng loob o negatibong emosyon ang mga magulang.
* Magkaroon ng panahon makipagdayalogo sa mga magulang sa loob ng isang araw.
* Mag-aral ng mabuti at makakuha ng mataas na marka upang masuklian ang kanilang paghihirap.
* Sumabay sa mga magulang sa pagpunta sa bahay dalagihan at ipadama ang halaga ng pakikipag-ugnay sa Diyos.
* Magtulungan sa gawaing-bahay.

* Magkaroon ng pagkakaunawaan at pagmamalasakit sa bawat isa.
* Ugaliin ang pagrerespeto at maging mahinahon sa tuwina.
* Magkaroon ng kapakipakinabang na libangan.
* Maging mabuting huwaran o modelo sa loob ng tahanan.

Tuon:

Ang tahanan ng unang paaralan ng mga anak at mga magulang ang unong guro. Dito nahuhubog ang mga wastong pagpapahalaga ng bawat indibidwal, higit pa rito ang mga magulang ang nagsisilbind huwaran at malaki ang papel na ginagampanan upang mapabutiat mapaunlad ang kanilang pagkatao.

Jeyonce

Friday, August 13, 2010

Values- Lesson 1

Aralin 1
" Ang Kalikasan at Layunin ng Pamilya... "

Tuon:

"Ang pamilya ang sandigan ng isang bansa, binubuo ito ng ama, ina at mga anak na naninirahan sa iisang bubong, dito ipinupunla ang paglinang ng wastong kaasalan simula sa pagkasanggol. Ang mabuting magulang kailanman ay di nagpapabaya mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang anak. Kaya nararapat lamang na igalang, paglingkuran at mahalin ang ating mga magulang sapagkat wala silang kapantay."

Pagsasabuhay:

1. Malugod na ginagampanan ang tungkulin ng bawat kasapi.
2. Pantay-pantay na tingin sa mga anak.
3. Huwarang pagsasama ng mga asawa.
4. Bukas na komunikasyon sa bawat kasapi.
5. May paggalang at pagmamahal ang bawat kasapi.
6. May sariling disiplina ang bawat isa.
7. Maging magandang halimbawa sa mata ng Diyos at ng tao.
8. Igalang ang opinyon at pagkatao sa bawat kasapi.
9. Pahalagahan at alalahanin ang mga pagdiriwang sa loob ng tahanan.
10. May pananampalataya sa Diyos. "The family that prays together, stays together."

Jeyonce

Tuesday, August 10, 2010

Unit 1 in Music Lesson Reviews

Unit 1- Lesson Reviews

Lesson 1:

* Cultural practices are categorized in six clusters:
history, geography, topography, kinship of artistic forms, material culture, social structures.

* The Cordillera highland cultures are Aeta Communities and Islam and Non-Islam Communities.

* Revolutionary Period (1892-1901) reflects the patriotic sentiments and aspirations of the Filipino people.

* Sarungbanggi is a Bicol folk song which means "Isang Gabi".

* Pamulinawen is a traditional folk song of the Ilocanos.

* Balitaw is a song and dance common among the Tagalogs and the Visayans.

* Kundiman is a love song.

* Kumintang is an ancient native dance and melody of the Christian Filipinos.

Lesson 2:

* The four groups of instruments are aerophone, chordophone, idiophone and the membranophone.

* Kabungbung is a chordophone of the Negritos of Bataan.

* Butting is a chordophone of the Negritos of Zambales.

* Litguit is a chordophone of the Negritos of Tapaz, Capiz and Island of Panay.

* Bansik is an aerophone of the Negritos of Zambales.

* Hupeep/Hupip is an aerophone of Ifugao.

* Talibung is a membranophone of Zambales.

* Bikkung is an idiophone of Ifugao.

* Gangha is an idiophone.

Lesson 3:

* Panay is one of the six islands constituting the region known as the Visayas.

* Panay is rich in folklore.

* Principal languages of Panay are: aklanon, hiligaynon and kiniray-a.

* Songs of Negritos: Pontino, Pinaklab, Kinasag, Kay Ponso, Hinaplas, Sinolog and Binaros.

Lesson 4:

* Palawan is known as "the last frontier" because of its eye-fulfilling sites of white sand beaches, coral reefs and preserved natural habitats.

* Tagbanua is an original race of people inhabiting Palawan.

* Tagbanua people are the mixture of Malay Race and Negrito race.

* Tagbanua people believed that music has the power to heal the sick.

* Instruments of Tagbanuas are gimbal, beberak, aroding, guitars and banjos.

That is all.

Jeyonce

Unit 1 in Art

Lesson 1 Here we go!

Influence of Asian Art on Philippine Art and Culture

As early as the 9th Century, and long before Magellan's so-called "discovery" of the islands, trade and cultural contact already existed between the Philippines and its Southeast Asian neighbors including China, Japan, India and Arab Nations. The islands were already known to Southeast Asian mariners and traders such as the Thai, Vietnamese, Malaysians, Indonesians and Cambodians as well as to Southern Chinese people.

Found in different parts of the Philippines are some articles which bore traces of Asian art and culture such as blue and white porcelain, celadon plates, saucers, bowls, cups, bottles, containers with spouts, earthenware pots and cooking stoves and stoneware jars.

The Pandanan island wreck site yielded well-preserved remains of a wooden ship with a cargo of Vietnamese, Thai and Chinese ceremonies. Among these were the blue and white porcelain,
celadon plates, saucers, bowls, cups, bottles, containers with spouts, earthenware pots and cooking stoves and a number of stoneware jars. There were also metal artifacts such as cauldrons, bronze gongs two small cannons and some Chinese coins.

From around the 14th Century, it was believed that roughly 70-75 percent of the ceramics discovered in the Philippines are Chinese while some 22-25 percent are Thai and 5-8 percent are Vietnamese.


Philippine pottery was, likewise, a Chinese influence. Burial jars have been found in association with Chinese trade pottery of the Song Dynasty and the Yuan Dynasty. Burial Jars were used in the tradition of burying bones in jars and hiding the jars in caves.


Philippine art, like all the other Asian arts, is essentially religious in nature. The main theme of all arts from painting, sculpture, architecture, music, dance and theater is focused on the life of the gods, legendary heroes and mythical beings.

Petroglyphs in the Philippines

The earliest and the first petroglyphs were found in Angono, Rizal. The site is a rock shelter at the foot of a 235-meter peak, three kilometers east-northwest of town. The shelter can be reached up a slight slope from the bed of a stream. The petroglyphs are executed on the wall of the main chamber at heights varying from floor level about 3.7 meters from this reference point.
The floor is quite uneven.

The Angono Petroglyphs is considered a highly significant cultural landmark because it is the oldest known work of art in the Philippines. It is included in the list of National Cultural Treasure of the country and World Inventory of Rock Art. It was also declared as one of the World's most imperiled historic sites in the world by World Monuments Watch and World Monument's Fund.

NOTE:
Petroglyphs (also called rock engravings) are pictogram and logo gram images created by removing part of a rock surface by incising, pecking, carving, and abrading.

Jeyonce

Thank You! :)